Mahal Kong Pandayan

Mahal Kong Pandayan

Hinahangaan kahit saan man, 
Mabubuting gawa ay nakatatak na sa isip at puso ng mamamayan. 
Mabuting asal at kaalaman sa 
Kultura ng Tagumpay ay binabahagi sa lahat.

Umunlad ang buhay at nagkaroon ng bahay ang karamihan 
sa tulong ng Mahal kong Pandayan. 
Hindi lang humuhubog ng kaalaman 
pati na rin pagmamahal sa kalikasan. 
Kagandahang dito mo lang matutunghayan. 
lnspirasyong di mapantayan.

Kagandahang asal ating isabuhay 
pagiging mabuting tao, pakikipagkapwa-tao at pagkamakatao 
ay dito mo lang matutunghayan 
sa turo at gabay ng Kultura ng Tagumpay ng Pandayan.

Pamayanan ay kusang loob na tinutulungan. 
Alerto lagi sa nangyayari sa ating kapaligiran. 
Maging mabuting Kapwa ninuman at laging tandaan 
Boss JVC said, "Mahalin, tanggapin ang sinumang nabubuhay, 
bagkus susi ito sa mundong makulay."

Mahal kong Pandayan na aking pinaglilingkuran. 
Ipinagmamalaki ng bawat Kapwa at pamayanan. 
Sa mabubuting gawa na walang hininging kapalit kanino man.

Mahal kong Pandayan 
Pasasalamat na walang hanggang 
Nakaukit sa aming puso at isipan.